Calendar
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete ang suspek na may kasong murder matapos makorner ng mga pulis ng MPD Baseco Police Station 13 noong Linggo.
Suspek sa pagpatay nahuli sa Baseco
ARESTADO ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD)-Baseco Police ang 25-anyos na binata dahil sa kasong pagpatay noong Linggo sa Block 14, Old Site, Brgy. 649, Baseco compound, Port Area, Manila.
Kinilala ni MPD Chief P/BGen. Arnold Abad ang naarestong suspek na si alyas Ngongo, isang obrero.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, hepe ng Baseco Police Station 13, bandang alas-9:30 ng gabi ng damputin ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section sa pangunguna ni PMaj. Armando Linget ang suspek.
Natiklo ang suspek sa arrest warrant galing kay Judge Cirile Maduro Foja, acting Presiding Judge RTC, Branch 6 ng Manila.
Nasa top 1 most wanted person ang nahuling suspek.
Walang puknat ang patrolling at monitoring sa lugar lalo na sa mga looban at tabing dagat, ayon kay Lt. Col. Anicete.

