Drugs

P6.1M droga, 67 suspek nakopo ng PRO-1

Alfred Dalizon Sep 9, 2025
222 Views

NAGSAGAWA ang Police Regional Office 1 (PRO)-1, sa pamumuno ni Brigadier Gen. Dindo Reyes, ng 56 na operasyon kontra ilegal na droga at nakumpiska ang 602.05 gramo ng shabu, 60.73 gramo ng marijuana at winasak ang 10,250 na shrub ng marijuana at 1,000 seedlings na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P6.1 milyon.

Umabot sa 67 katao ang naaresto sa mga operasyong ito.

Sa pagtutok sa mga wanted persons, 82 na indibidwal ang naaresto, ayon sa hepe ng PRO-1.

Bilang bahagi ng kampanya laban sa loose firearms, nagsagawa rin ang PRO-1 ng 15 operasyon kung saan 12 katao ang inaresto, 13 baril ang nakumpiska at 36 unexploded ordnance (UXOs) ang narekober.

Pinuri ni PNP Acting Chief, Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang PRO1 sa kanilang mga accomplishments.

“Ang tagumpay ng PRO1 ay patunay ng ating walang sawang paninindigan na sugpuin ang krimen at katiwalian sa ating mga komunidad. Sa pagtutulungan ng kapulisan at mamamayan, makakamtan natin ang isang ligtas at panatag na bayan para sa lahat,” ayon kay Nartatez