BBM

Marcos patuloy na bumubuti ang pakiramdam

146 Views

PATULOY umanong bumubuti ang kondisyon ng kalusugan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon sa health bulletin na inilabas ng Palasyo, sinuri ni Dr. Samuel Zacate si Marcos Lunes ng umaga sa bahay nito. Wala na umanong lagnat ang Pangulo at hindi na nananakit ang katawan.

May nararamdaman pa umano si Marcos na pangangati ng ilong pero wala ng ubo.

“In my clinical opinion, he is on his way to a complete recovery,” sabi ni Zacate.

Si Marcos ay nagpositibo sa COVID-19 noong Hulyo 8 sa isang antigen test. Nakumpirma rin ito sa RT-PCR test.

Ipinaliwanag rin umano ni Zacate sa Pangulo ang protocol ng Department of Health na kailangan nitong sumailalim sa pitong araw na isolation.

Sa kabila ito, patuloy umanong gagampanan ni Marcos ang kanyang tungkulin at sa Hulyo 12 ay pangungunahan ang pagpupulong ng gabinete sa pamamagitan ng teleconferencing.