Calendar
Progam leaders ng US GS Health Research , miyembro ng FMS Prof. Suarez recipient ng 34th Dr. Jose P. Rizal Award
ANG program leader ng UST Graduate School (UST GS) Health Research at miyembro ng Faculty of Medicine and Surgery na si Prof. Consuelo B. Gonzalez-Suarez, M.D., Ph.D., ay tinanghal na recipient ng 34th Dr. Jose P. Rizal Award sa ilalim ng Research Category. Ang parangal ay ibinigay ng Philippine Medical Association sa kanilang 118th Annual Convention na ginanap noong Mayo 17, 2025, sa Shangri-La Plaza.
Ang Dr. Jose P. Rizal Award ay kinikilala ang mga natatanging kontribusyon sa iba’t ibang larangan ng medisina, kabilang na ang akademya, klinikal na praktis, pag-unlad ng komunidad, serbisyo sa gobyerno, at pananaliksik sa kalusugan sa Pilipinas.
Si Dr. Suarez ay nakapag-publish na ng mahigit 100 peer-reviewed journal articles at kasalukuyang pinuno ng NICER Program (Niche Centers in the Regions for Research and Development) para sa Center for Sports Medicine/Rehabilitation: OPLAN Atletang Pinoy, na nakatutok sa pagsasagawa ng pananaliksik upang mapabuti ang athletic performance sa Pilipinas.
Pinangunahan din niya ang isang makabago at internasyonal na kolaborasyon na pinamagatang, “Precision in Motion: Harnessing Artificial Intelligence for Dynamic Shoulder Ultrasound Assessment Across Ethnicities and Pain Syndromes.” Ang proyektong ito ay isang joint initiative ng National Taiwan University Hospital, Beihu Branch, at UST, sa ilalim ng Manila Economic and Cultural Office – Taipei Economic and Cultural Office program.

