Calendar
Source: File photo
Walang ‘ghost’ flood control projects sa Or. Mindoro, ayon sa independent audit
WALA umanong “ghost” flood control projects sa bayan ng Naujan, Occidental Mindoro batay sa isang independent audit ng magkahalong audit team mula Pilipinas at Australia.
Ayon kay Master Environment Auditor Annabelle Tungol ng Artea Green Ventures, personal nilang sinuri ang mga proyekto at nakita ang aktuwal na istruktura. “Magandang balita ito para sa ating mga kababayan. Napatunayan na may mga proyekto na kasalukuyang nasa iba’t ibang yugto ng konstruksiyon. Wala pong ghost project dito,” diin ni Tungol, na umano’y nag-training sa Asian Institute of Management.
Kasama ni Tungol ang apat pang eksperto mula Australia at Pilipinas. Sila ang nagsuri sa mga dike at esplanade projects sa Mag-asawang Tubig at Pangaloan Rivers, pati na sa Barangay Apitong.
Ipinaliwanag ng safety auditor na si Collin McPherson ng JCM Solutions na maayos ang kalidad ng mga proyekto ngunit may ilang isyu sa safety equipment at construction methods. Aniya minor issues at madaling ayusin lang ang mga ito. Ang mahalaga umano nakikita na ang pera ng taumbayan ay napupunta sa tamang proyekto.
“For the project itself, you can see in the background that it’s certainly well-constructed. There’s l kilometers we can view from here, and it certainly meets the standard of the design that we’ve had a look at,” dagdag niya habang pinapakita ang video ng kanilang pagbisita sa Oriental Mindoro.
Batay sa ulat, pasado sa design standards ang mga proyekto at may dagdag pang features tulad ng erosion protection at solar light poles. Nakita rin ang aktibong community consultations at supervision.
Kasama sa rekomendasyon ng grupo ang mas mahigpit na evaluation ng contractors, regular safety training, at tuloy-tuloy na independent audits para masiguro ang integridad ng flood control projects.

