Munsayac

OVP nagbabala laban sa pekeng OVP FB account

194 Views

NAGBABALA ang Office of the Vice President kaugnay ng isang Facebook account na nagpapanggap umanong account ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Atty. Reynold Munsayac, tagapagsalita ni Duterte hindi sa bise presidente ang account na Office of the Vice President and Satellite Offices sa Facebook.

“There are no OVP FB accounts. The OVP is in the process of updating the official government OVP website which will hold all information about the OVP,” sabi ni Munsayac.

Ang opisyal umanong Facebook account ni Duterte ay Inday Sara Duterte, ang kanyang Twitter ay @indaysara (Sara Duterte) at sa Instagram ay @indaysaraduterte.