Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Dolyar

Pinakamahinang halaga ng piso kontra dolyar sa nakalipas na 17 taon naitala

298 Views

NAITALA ngayong Martes, Hulyo 12, ang pinakamahinang halaga ng piso kontra sa dolyar sa nakalipas na 17 taon.

Nagsara ang palitan sa P56.37:$1 o bumaba ng 39.1 sentimos kumpara sa pagsasara na P55.979:$1 noong Lunes, Hulyo 11.

Sa palitan sa kalagitnaan ng araw ay umabot ang palitan sa P56.45:$1 at bahagyang nakabawi bago ang pagsasara.

Noong Nobyembre 5, 2004 ang palitan ay nasara sa P56.375:$1.