Kelot

2 tumakas sa checkpoint huli sa droga

Steve A. Gosuico Sep 19, 2025
284 Views

TALAVERA, Nueva Ecija–Dalawang lalaki na sakay ng Toyota Fortuner na hindi huminto sa checkpoint ang nasakote na may dalang P374,000 na halaga ng shabu noong Biyernes.

Kinilala ni Lt. Col. Rogelio Pacificar Jr., hepe ng pulisya, ang dalawang suspek, na nasa edad 25 at 30-anyos.

Sakay ang dalawa ng puting Fortuner nang parahin sa checkpoint sa Brgy. Calipahan bandang alas-12:15 ng hatinggabi.

Sa halip na huminto, tumakas ang mga suspek at pinaputukan ang humahabol na otoridad na sakay ng patrol vehicle.

Sa pagkakaaresto, nasamsam sa dalawa ang 55 na gramo ng shabu na may halagang P374,000.

Nakuha rin mula sa mga suspek ang isang kalibre .38 revolver na may isang bala at samu’t-saring drug paraphernalia.

Inihahanda na ang magkahiwalay na kaso para sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition).

“Pinupuri ko ang Talavera police para sa makabuluhang tagumpay na ito,” sabi ni Nueva Ecija police chief Col. Heryl Bruno.