Nangnenok ng motor nasakote
Nov 23, 2024
Mandatory assessment para makakaha ng NC iminungkahi
Nov 23, 2024
Binata nalambat sa boga, bala
Nov 23, 2024
Calendar
Metro
Southbound lane ng EDSA-Kamuning flyover madaraanan na sa Hulyo 23
Peoples Taliba Editor
Jul 14, 2022
165
Views
MULING bubuksan sa mga motorista ang southbound lane ng EDSA-Kamuning flyover sa Hulyo 23.
Ayon sa Department of Public and Works and Highways (DPWH) alas-5 ng hapon magsisimulang padaanan ang naturang lane na isinara upang makumpuni ang mga sira nito.
Sinabi ni DPWH-NCR District Engineer Eduardo Santos na mas maaga ang muling pagbubukas ng naturang bahagi ng flyover na naunang itinakda sa Hulyo 25.
Isinara ang southbound lane ng flyover noong Hunyo 25.
Dahil sa mga bitak ay pinasok ng tubig ang loob ng konkreto na siyang naging dahilan upang matanggal ang mga semento.
Umaabot sa 140,000 sasakyan ang dumaraan sa EDSA-Kamuning flyover araw-araw, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Nangnenok ng motor nasakote
Nov 23, 2024
Binata nalambat sa boga, bala
Nov 23, 2024
Bata, 6, ina patay sa adik
Nov 23, 2024
18-anyos na suspek sa pagnanakaw tiklo
Nov 22, 2024