Calendar
Source: FB post
Parak sinagip sanggol sa kahon na iniwan sa kalsada
ISANG bagong silang na sanggol na babae na nakalagay sa kahon at iniwan sa tabi ng kalsada ang nailigtas ng mga pulis sa Tuguegarao City noong Miyerkules.
Bandang alas-6:50 ng umaga ng matagpuan ng isang residente ang sanggol na umiiyak sa tabi ng Bypass Road sa Brgy. Bagay, Tuguegarao,
Rumesponde ang mga tauhan ng Tuguegarao police na sina Police Executive Master Sergeant Ace Baggayan at Patrolman Royet Lattao at dinala ang sanggol sa Cagayan Provincial Government Hospital.
Nasa pangangalaga na ngayon ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang sanggol para sa tamang pag-aaruga at proteksiyon.
Pinuri ni Acting Philippine National Police Chief, Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang mabilis na aksiyon ng mga pulis at ng komunidad sa kinatagpuan ng sanggol.
“Ang pagsagip na ito ay patunay ng malasakit at tungkulin na inaasahan ni Pangulong Marcos mula sa bawat tagapangalaga ng batas. Bawat buhay ay mahalaga, at hindi titigil ang PNP hangga’t hindi natutukoy ang nag-abandona sa sanggol na ito.”
Lubos ding pinasalamatan ni PNP spokesperson, Brigadier Gen. Randulf Tuaño ang agarang pagrereport ng mga residente sa kapulisan matapos matagpuan ang sanggol.

