KAMARA INAPRUBAHAN ANG PANUKALA VS BULLYING
Aug 26, 2026
Calendar
Provincial
Bacolod cops tiniklo 4 na suspek na tulak; P.5M droga nasabat
Jon-jon Reyes
Oct 12, 2025
395
Views
SWAK sa selda ang 4 na drug suspek sa buy-bust ng mga operatiba ng Bacolod City police at nasabat din ang humigit-kumulang sa 75 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P510,000 sa Purok Magtiayon 10, Bacolod City.
Ayon sa report ni P/BGen. Arnold Thomas Ibay, director ng Negros Island Region Police, bandang alas-11:30 ng gabi nahuli sina alyas Joey, 43; Roberto, 25; at Cheldan, 18, sa pangunguna ni P/Lt. Col. Antonio Benitez Jr.
Timbog naman si alyas Amado Jr., 44, dahil sa paglabag sa RA 9165 sa Kalye Pitong Gatang, Brgy. Bolocboloc, Sibulan, Negros Oriental.
Sinabi ni P/BGen. Ibay na nahuli ang huling suspek sa pangunguna ni P/Capt. Jose Edrohil C Cimafranca.
Pinuri ni P/BGen. Ibay ang mga pulis.
Kelot na katulong kulong sa rape
Aug 26, 2026
PNP, PCA nag-collab sa pagtanim ng puno
Aug 25, 2026
Ex-miyembro ng CTG nagbalik-loob sa gobyerno
Aug 25, 2026

