Petrolyo

Dagdag bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ipatutupad Martes ng umaga

Edd Reyes Oct 13, 2025
515 Views

TATAAS na muli ng P0.30 sentimos ang presyo ng gasolina bagama’t walang paggalaw sa diesel habang may bawas na P0.20 sentimos sa kerosina simula Martes ng umaga, Oktubre 14, 2025.

Inilabas ng mga kompanyang Petron Corporation, Pilipinas Shell, Seaoil Corporation, Chevron Philippines at Flying V ang magkakapareshong dagdag-bawas sa presyo ng kanilang produkto na epektibo alas-6:01 ng umaga.

Ganito rin ang inilabas na anunsiyo ng PTT Philippines, Petro Gazz, Total Philippines, at Unioil na pawang hindi nagbebenta ng kerosina na ipapatupad alas-6:01 rin ng umaga habang alas_4:01 naman ang Clean Fuel.

Ayon kay PTT Philippines Media Relation Officer Jay Julian, nakadepende ang pagpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ng lokal na mga kompanya sa dikta o paggalaw ng halaga nito sa pandaigdigang pamilihan, (edd reyes)