Mindoro

Oriental Mindoro kasama sa kinilalang top performing LGU

Helen D. Prado Oct 29, 2025
237 Views

ORIENTAL Mindoro — Pinarangalan at kinilala ang lalawigang ito bilang isa sa top performing local government unit sa 2025

Regional SubaybayanI Exemplars ng Department of the Interior and Local Government-MIMAROPA.

Ito ay katibayan na ang Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng administrasyon ni Gov. Bonz Dolor ay patuloy na pinapahalagahan ang integridad, pananagutan at transparency sa mga proyekto ng lalawigan.

Ang pagkilalang ito ay pagkilala rin sa mga kawani at ng mamamayan na kaisa ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagsulong ng matino at maayos na pamamahala.

Nagpahayag naman ng taos-pusong pasasalamat ang lokal na pamahalaan ng Oriental Mindoro sa parangal na natanggap.