ADMU kinondena pamamaril sa QC campus

232 Views

KINONDENA ng Ateneo de Manila University (ADMU) ang naganap na pamamaril sa kanilang Areté, Loyola Heights campus araw ng Lingo, Hulyo 24.

“Ateneo de Manila University extends its heartfelt condolences to the families of the victims. There is no acceptable reason for violence. We hope and pray that justice will be swiftly served,” sabi ng ADMU sa isang pahayag.

Ayon sa ADMU tatlo ang nasawi at dalawa ang nasugatan sa pamamaril.

Nangyari ang pamamaril isang oras bago ang nakatakdang commencement exercise ng Ateneo de Manila School of Law at Areté. Kinansela ito dahil sa pangyayari.

“It has robbed the members of the Law School class of 2022 of what was supposed to be a joyous celebration. The University and the Law School administration are assisting students, staff, and guests who are dealing with trauma from the incident,” sabi pa ng paaralan.

Tiniyak naman ng ADMU na nananatiling ligtas ang kanilang mga campus at nirerepaso na umano ang security protocol upang lalo pa itong mapalakas.

Nagpasalamat naman ang ADMU sa mabilis na pagresponde ng mga otoridad na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang suspek.

Umapela naman ang eskuwelahan na mag-ingat sa pagpapakalat ng hindi kumpirmadong impormasyon at humingi ng panalangin para sa mga biktima at kanilang pamilya.