Carnap TAPOS NA BOY–Binasahan ng arrest warrant ng mga operatiba ng Manila Police District ang suspek sa carnapping matapos maaresto sa loob ng kulungan. Kuha ni Jon Jon Reyes

Binatang nasa selda, tiklo sa carnapping

Jon-jon Reyes May 2, 2024
21 Views

NASA likod pa ng rehas, naaresto na uli ng mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District ang isang binata dahil sa carnapping sa loob ng Muntinlupa Jail sa national road, Tunasan noong Miyerkules.

Nalaman ng mga pulis na kabilang si Alyas Bonbon sa mga most wanted na suspek dahil sa kasong paglabag sa Carnapping under Republic Act. 10883.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Alvin Christopher Ace Baybayan, hepe ng DSOU, bandang alas-2:10 ng hapon ng tinungo ng mga operatiba ang suspek sa loob ng BJMP-Muntinlupa City Jail.