PRO

Undas ’25 sa Region 4A babantayan ng 10,233 parak

269 Views

KAMPO PBGEN VICENTE LIM–Magdedeploy ang Police Regional Office (PRO)-4A ng 2,500 pulis sa buong rehiyon kasama ang karagdagang 1,696 tauhan mula sa iba pang ahensya ng gobyerno at 6,037 force multipliers para sa Undas.

Kinabibilangan ng mga tauhan mula sa 5 police provincial offices, Regional Mobile Force Battalion 4A, Regional Headquarters at PNP Regional Support Units ang mga pulis na ikakalat sa 626 na sementeryo at memorial parks, 32 bus terminals, 22 daungan at 169 Motorist Assistance Centers (MACs) at Police Assistance Desks (PADs).

Tiniyak ni PRO-4A director PBGen. Paul Kenneth Lucas sa publiko na handa ang lahat ng yunit ng pulisya sa Undas.

Pinapaalalahanan din niya ang publiko na makipagtulungan sa mga nagpapatupad ng batas, sundin ang mga paalala sa kaligtasan at iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa pinakamalapit na police station.