Calendar
Ibinahagi ni PBGen.Arnold Thomas Ibay, RD ng Negros Island Region, ang pag-aresto sa mga suspek na may mga iba’t ibang kaso na natimbog ng mga operatiba sa magkahiwalay na lugar sa rehiyon. JONJON C. REYES
Suspek sa murder, isa pa sa statutory rape huli sa Negros Or.
ARESTADO ng mga operatiba ng Siaton Municipal Police Station ng Negros Oriental ang isang 29-anyos na magsasaka dahil sa kasong murder matapos maispatan ito sa kahabaan Brgy. 3, Siaton, Negros Oriental Lunes ng gabi..
Kinilala ang suspek na si alyas Michael, binata, farmer, at residente ng So. Calangag, Brgy. Bonawon, Siaton, Negros Oriental.
Ayon kay PBGen.Arnold Thomas Ibay, Regional Director ng Negros Island Region, bandang 7:45 ng gabi nang damputin ang suspek ng mga mga tauhan ng Siaton MPS, sa pangunguna ni PSMS Erwin Tubat, Intel PNCO sa ilalim ng direktang pangangasiwa ng PCapt. Benjamin J. Fuentes,OIC, kasama ang mga tauhan ng 5th MC, RMFB NIR,
Bitbit ng mga operatiba ang warrant of arrest laban sa akusado para sa kasong murder na inisyu ni Judge Richelle Alistado Noblefranca, ng Regional Trial Court, 7th Judicial Region, Branch 44, Dumaguete City, Negros Oriental, na may petsang Nov 3, 2025,.
Hindi nagrekomenda ng piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Kabilang sa talaan ng Most Wanted Top 8 Regional Level ang suspek na nasa kustodiya na ngayon ng Siaton MPS ang akusado para sa kaukulang disposisyon..
Samantala himas rehas ang isang 24-anyos na binata na kabilang sa talaan ng most wanted person no. 4 (Provincial Level) dahil sa kasong statutory rape; matapos matimbog sa Gustilo Boulevard, Barangay Zone 1, Cadiz City, Negros Occidental,
Kinilala ang suspek na si alyas Mel, residente sa Had. Carmen Barangay Daga, Cadiz City, Negros Occidental.
Base sa report na nakarating kay PBGen. Ibay, bandang 2:44 ng hapon nang inaresto ng Tracker Team ng Cadiz CCPS sa pangunguna ni PLT.Col. John Joel S Batusbatusan, ang nabanggit na akusado sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong statutory rape na inisyu ni Judge Jose Meno Custodio Ruiz, ng 6th Judicial Region, Regional Trial Court, Branch 10, Cadiz City, Negros Occidental.
Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

