PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
Calendar
Metro
Bibili ng yosi nabugahan ng bala, ligtas
Gil Aman
Nov 9, 2025
625
Views
CAMP VICENTE LIM–Sugatan ang lalaking bibili ng sigarilyo na binaril ng hindi nakilalang suspek sa Sitio East Kamias, Phase 2A, Brgy. Sta. Cruz, Antipolo City noong Sabado.
Ginagamot ang biktimang si Enrico Manalili Jr. sa Antipolo District Hospital dahil sa tinamong tama sa katawan mula sa hindi mabatid na kalibre ng baril.
Dakong alas-10:00 ng gabi bibili lang ng sigarilyo ang biktima subalit sumulpot ang suspek na namaril ng ilang beses.
Nagresponde si P/Cpt. Herald Medrano, PCP2 commander, at nagsagawa ng imbestigasyon.
Ligtas na sa kamatayan ang biktima pero tumakas na ang suspek na ayon sa pulisya ay nakasuot ng facemask, itim na jacket at helmet.
NCRPO, 100% ready sa seguridad ng 49th ASEAN Summit
Nov 15, 2026
49th ASEAN delegates poprotektahan ng mga parak
Nov 15, 2026
49th ASEAN delegates poprotektahan ng mga parak
Nov 15, 2026
14-anyos nasawi sa riot ng kabataan sa Caloocan
Nov 14, 2026
2 suspek sa holdap tiklo
Nov 13, 2026

