Chi Dumalo si Manila Vice Mayor Chi Atienza sa medical mission ng grupong Dreamax, Inc. sa pamumuno nina Fredgie Cabarloc, Mark Anthony Tan at Roy Allan Chua sa Andres Bukid Maynila. Katuwang sa mission si Polaris President-CEO Latrick John, Soon Chun Hyang University Hospital (SCH) Principal Researcher Ji-Won Moon at Otom CEO Joonho Oh.

Manila nagkaroon ng med mission

Jon-jon Reyes Nov 16, 2025
324 Views

Chi1NAGSAGAWA ng medical mission sa San Andres Bukid, Maynila ang Dreamax Inc. sa pangunguna ni Fredgie Cabarloc, Mark Anthony Tan at Roy Allan Chua sa pakikipagtulungan kay Polaris President Patrick John, Soon Chun Hyang University Hospital (SCH) Principal Researcher Ji-Won Moon at Otom CEO Joonhoo Oh.

Humigit-kumulang 400 indibidual ng Brgy. 770 District 5 sa Oro-B Zobel Roxas St. ang naserbisyuhan at nabigyan ng gamot.

Ayon kay Fredgie Cabarloc, handog ng Dreamax Inc. ang medical mission kasama ang grupong Polaris.

Layunin ng grupo na mabigyan ng magandang serbisyo medical at magamit ang bagong teknolohiya na gawa sa Korea.

Nagdala ang grupo ng x-ray machine na meron pang Artificial Intelligence (AI).

Kabilang sa mga tumulong sa medical mission ang 23 doctors at iba pang mga mangagamot na pinagunahan nina Dr. Joseph Gulfan at Dr. Jonmarc Jopson.

Nagpasalamat ang grupo kay Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza sa kanilang suporta.