Calendar
CL cops nang-aresto ng 6 na suspek sa iba’t-ibang kaso
CAMP OLIVAS, San Fernando, Pampanga–Anim na suspek sa iba’t-ibang krimen ang nahuli ng mga miyembro ng Police Regional Office 3 (PRO-3) sa mga lalawigan sa Central Luzon kamakailan.
Noong Disyembre 4, isang 32-anyos na suspek sa panggagahasa ang naaresto ng San Simon police at iba pang yunit.
Naaresto naman sa San Marcelino, Zambales police and suspek sa paglabag sa Anti-Carnapping Act (RA 10883) at estafa.
Sa Apalit, Pampanga, nadakip ang isang 62-anyos na suspek sa kasong rape.
Sa Casiguran, Aurora, naaresto ang lalaki para sa qualified rape at acts of lasciviousness.
Sa Meycauayan City, Bulacan, inaresto dahil sa statutory rape ang isang suspek batay sa warrant of arrest na inilabas ng RTC Branch 79, Malolos City.
Sa Morong, Bataan, nahuli din ang isang lalaki para sa kasong rape.
“These suspects were tracked, located, and arrested through intelligence-based police operations. This is our commitment to pursue peace and order and ensure that offenders are held accountable,” ayon kay PRO-3 director Brig. Gen. Rogelio Peñones Jr.

