Cojuangco

Insentibo sa mga dayuhang kumpanya na makapagbibigay ng trabaho isinulong

Mar Rodriguez Aug 7, 2022
230 Views

ISINULONG ng pinakabatang kongresista ang isang panukalang batas na ang layunin ay gamitin bilang pangunahing criteria para pagkalooban ng insentibo ang lahat ng ‘foreign companies” na makakapabigay ng trabaho para sa mga Pilipino.

Ipinaliwanag pa ni Tarlac 1st Dist. Rep. Jaime Eduardo Marc D. Cojuangco na sa ilalim ng House Bill 2074 na inihain nito sa Mababang Kapulungan, pagkakalooban ng “fiscal incentives” ang mga “foreign investors” na makakapagbigay ng permanenteng trabaho.

Sinabi ni Cojuangco na nilalayon din ng HB 2074 na amiyendahan ang Section 28 ng Omnibus Investments Code sa pamamagitan ng pagbibigay ng mandato na walang “economic activities” ang maaaring isama sa Investment Priorities Plan (IPP).

Ayon kay Cojuangco, maliban na lamang aniya kung maipapakita ng mga foreign investors” na makapagbigay sila ng tinatawag na “permanent employment opportunities” sa mga Pilipino.

“The usual requirement in the grant of fiscal incentives is the amount of investments. There is not much regard for the jobs to be created. In such a case, the loss in government revenues may outweigh whatever economic benefit such an investment may bring,” paliwanag ng mambabatas.

Idinagdag pa ni Cojuangco na ang Board of Investments (BOI) ang ahensiya responsible sa pagpo-promote ng investmemts sa bansa. Ang BOI din aniya ang responsible sa pagre-regulate ng mga investments.