Meralco

Meralco may bawas-singil ngayong Agosto

Arlene Rivera Aug 8, 2022
132 Views

MAY bawas-singil ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong Agosto.

Ayon sa Meralco ang singil nito para sa residential customers ay bababa ng P0.2087 o mula P9.7545 kada kWh ay magiging P9.5458 kada kWh.

Nagkakahalaga ito ng P42 sa isang residential customer na kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan.

Ito ang ikalawang sunod na buwan na nagpatupad ang Meralco ng bawas-singil.

Malaking bahagi ng pagbaba ang singil ay bunsod ng mas mababang generation charge.