PSA

P1 noong 2018 86 sentimos na lang ngayon ang halaga

119 Views

ANG purchasing power ng P1 noong 2018 ay nagkakahalaga na lamang ng 86 sentimos ngayon.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ito ay dahil sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa.

Sinabi ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa mas mababa ito kumpara sa 87 sentimos na naitala noong Hunyo.

Dahil sa pagtaas ng halaga ng bilihin at serbisyo ay mas kumokonti ang nabibili ng mga konsumer.