Pag-Ibig

Pag-IBIG nakakolekta ng record high na P38.8B

175 Views

UMABOT sa P38.82 bilyon ang nakolekta ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund sa unang anim na buwan ng 2022.

Ito ang pinakamataas na koleksyon ng Pag-IBIG sa loob ng unang anim na buwan.

Mas mataas ito ng 23 porsyento o P7.23 bilyon sa P31.59 bilyon na nakolekta ng ahensya sa kaparehong panahon noong 2021.

Isa umano sa nagpataas sa koleksyon ng ahensya ang voluntary Modified Pag-IBIG 2 (MP2) Savings nito.