Calendar
Pulis inaresto 2 Tsino sa pagdukot ng kababayan
SINALAKAY ng mga pulis ang isang condominium unit na ginawang safe house ng dalawang Chinese national na sangkot sa pagdukot sa kanilang kababayan noong Biyernes sa Pasay City at nahuli ang dalawang suspek.
Dakong alas-10:55 ng umaga ng pasukin ang unit ng mga suspek na sina alyas Jiaxing, 38, at Zhiyong, 34, sa Roxas Boulevard at nasagip ang biktimang si Jialin Ye, Chinese-Mexican national.
Sa kanyang ulat kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Randy Arceo, sinabi ni Col. Joselito De Sesto, Pasay police chief, na nakapagdala ng mensahe sa kanyang kaibigan ang biktima matapos dukutin at hingian ng $1.4 milyon ransom sa pamamagitan ng cryptocurrency.
Nang ireport ng kaibigan ng biktima ang nangyaring pag-kidnap, nirebisa ng pulisya ang mga kuha ng CCTV kaya natukoy nila ang kinaroroonan ng mga suspek.
