Calendar
Metro
Parak-LP inaresto 2 nangholdap ng kapwa-Indian
Edd Reyes
Jan 17, 2026
553
Views
NATUNTON sa tulong ng global positioning system (GPS) ang dalawang Indian nationals na nang-holdap sa kanilang kababayan noong Biyernes sa Las Piñas City.
Swak sa selda sina alyas Sukhwinder, 27; at Jasdeep, 33, matapos madakip ng mga parak-Las Piñas ilang oras matapos holdapin ang 34-anyos na kababayan nila sa Villa Fidela Subdivision, Brgy. Elias Aldana dakong alas-12:40 ng tanghali.
Nagsagawa ng follow-up ang mga pulis matapos i-activate ng biktima ang GPS na cellphone na tinangay ng mga suspek na nagresulta sa kanilang pagkakadakip.
Iniulat kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Randy Arceo na nabawi ng kanyang mga tauhan ang iPhone Pro ng biktima, P10,000 at ang gamit nilang motorsiklo sa panghoholdap.
MPD nasakip Tsinong turista mula Ativan Gang
Nov 4, 2026
6-ANYOS NAGULUNGAN NG SUV SA PORT AREA, DEDO
Nov 4, 2026
Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026

