Calendar
Metro
Nakabigting kelot natagpuan sa boarding house
Melnie Ragasa Jimena
Jan 27, 2026
402
Views
PATAY na nang matagpuan ang nakabigting 30-anyos na binata sa boarding house sa Brgy. Sto. Cristo, Quezon City noong Lunes.
Ayon sa report, alas-12:40 ng tanghali nang madiskubre ang nakabigting katawan ng binata sa loob ng kanyang inuupahang silid.
Huli siyang nakitang buhay ng mga ka-boarding house bandang alas-10:30 ng umaga.
Isang boarder ang unang nakapansin sa insidente at ini-report sa mga awtoridad. Rumesponde ang SOCO team ng QCPD Forensic Unit at nagsagawa ng imbestigasyon.
Nasamsam sa silid ng biktima ang isang glass vial na may liquid substance, plastic sachet ng hinihinalang shabu at disposable syringe.
May nakita rin umanong sulat sa salamin na iniimbestigahan ng pulisya.
MPD nasakip Tsinong turista mula Ativan Gang
Nov 4, 2026
6-ANYOS NAGULUNGAN NG SUV SA PORT AREA, DEDO
Nov 4, 2026
Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026

