Bundol SOURCE: BroBear Live FB Post

Ambulansiya nag-counterflow sa QC dahil may pasyente nakabundol ng babae

188 Views

SUGATAN ang isang babae matapos mabundol ng ambulansyang nag counterflow Quezon City nitong Lunes.

Ayon sa ulat nangyari ang insidente pasado alas-siyete ng umaga noong Lunes, Enero 26.

Ang ambulansya ay pagmamay-ari ng isang barangay sa Batasan–San Mateo Road,

Nag-counterflow ang ambulansya na noon ay may isinusugod na pasyente sa ospital nang mahagip ang biktimang tumatawid sa kalsada. Nakunan ng isang motovlogger ang insidente na kalauna’y kumalat sa social media.

Agad na isinakay ng ambulansya ang biktima at dinala sa pinakamalapit na pagamutan. Sinabi ng driver na si Manuel Busto Jr. na hindi niya agad napansin ang biktima at nagulat na lamang siya nang marinig ang malakas na kalabog sa gilid ng sasakyan.

Inako ng driver ang gastos sa pagpapagamot ng biktima. Ayon sa barangay, isasailalim sa assessment ang driver upang matukoy kung siya ay karapat-dapat pang magmaneho ng ambulansya.

Wala namang balak magsampa ng reklamo ang biktima.