Pic Screenshots mula sa FB at X/Jasmine Curtis-Smith, QC Mayor Joy Belmonte, Karen Davila, Bianca Gonzalez, Gabbi Garcia

Suntay inulan ng batikos dahil sa Anne Curtis kuda

205 Views

Pic1Pic2Pic3

Pic4
Screenshots mula sa FB at X/Jasmine Curtis-Smith, QC Mayor Joy Belmonte, Karen Davila, Bianca Gonzalez, Gabbi Garcia

NAGPAHAYAG ng matinding saloobin ang ilang personalidad hinggil sa naging pahayag ni Congressman Bong Suntay tungkol sa actress-host na si Anne Curtis sa gitna ng pagdinig ng impeachment complaints laban kay VP Sara Duterte nitong Martes, March 3.

Jasmine Curtis-Smith

Ang aktres na si Jasmine Curtis-Smith ay nagbahagi ng kanyang sariling statement tungkol sa natamong “inappropriate remarks” ng kapatid mula sa nasabing kongresista.

“This moment is not about one female celebrity. It is about how ALL WOMEN, regardless of profession, continue to be reduced to bodies in spaces dominated by men in power,” aniya sa isang Facebook post

Binigyang-diin ni Jasmine ang epekto ng ganitong mga pahayag mula sa isang halal na opisyal. “When a congressman publicly narrates his ‘desire’ and imagination about a woman he once saw… it reinforces a culture that treats women as consumable, as spectacle, as fantasy, as objects for commentary rather than as whole human beings with agency, intellect, and autonomy,” saad ng aktres.

Dagdag pa ng aktres, may pananagutan ang mga public official na itaas ang antas ng diskurso pagdating sa kababaihan—lalo na sa pagkilala sa kanilang ambag at kakayahan—sa halip na ilarawan sila bilang bahagi lamang ng imahinasyon o paksa ng komentaryo.

Quezon City Mayor Joy Belmonte

Sa inilabas namang statement ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, nanawagan siya kay Suntay na humingi ito ng tawad sa “It’s Showtime” host.

“I urge Congressman Bong Suntay to apologize for the inappropriate remarks that he made at a recent House committee hearing.”

Ayon sa alkalde, taliwas ang naging pahayag ng kongresista sa mga adbokasiyang matagal nang isinusulong ng lungsod para sa kababaihan. “His words directly contradict the spirit of empowerment that we have worked hard to build here in Quezon City,” ani Belmonte.

Binigyang-diin din niya na si Suntay ang nagsilbing majority floor leader ng city council nang maipasa ang Bawal Bastos Ordinance, isang batas na kumikilala na walang puwang sa pampublikong espasyo ang anumang bastos, malaswa, o mapanirang salita at kilos. “Moreover, he was the majority floor leader of the city council when we passed the Bawal Bastos Ordinance, which declares that lewd, malicious, and demeaning remarks and acts have no place in public life,” dagdag pa ng QC mayor.

Karen Davila

Nag-react din ang kilalang broadcast journalist na si Karen Davila sa naging pahayag ni Quezon City 4th District Rep.

Sa kanyang post sa X (dating Twitter), hindi nagpatumpik-tumpik si Karen sa pagkondena. “A congressman. A representative of the people. Paid by the people. A husband, a father with daughters.

Without the consciousness, knowledge or decency of how women should be talked about. Please keep your sick thoughts to yourself.”

Dagdag pa niya, hindi sapat na burahin lamang sa rekord ang naturang pahayag. “More than striking his comments off the record, he should apologize. Women’s Month pa talaga,” ani Karen.

PBB hosts Bianca Gonzalez at Gabbi Garcia

Nagpahayag din ng matinding pagkadismaya ang mga host ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0 na sina Bianca Gonzalez at Gabbi Garcia laban sa naging kontrobersyal na pahayag ni Bong Suntay. Nanawagan din sila sa publiko na huwag sanayin ang sarili sa ganitong uri ng asal mula sa mga opisyal.

Sa magkakasunod na posts sa X (dating Twitter), iginiit ni Bianca: “Please let us NOT NORMALIZE THIS BEHAVIOR. DISGUSTING, especially for a public servant.”

Dagdag pa niya: “The fact that there is no remorse, no clue as to why what he said was offensive and inappropriate, and even commented in an interview that ‘she should take my remark as a compliment’ is what makes this disgusting comment even more disgusting.”

Samantala, nagbigay rin ng saloobin si Gabbi at binigyang-diin ang pananagutan ng mga nasa kapangyarihan. “If you hold power, act like it. Objectifying women, even in passing remarks is unacceptable. We are not here to be reduced to someone’s imagination. NAKAKADIRI.”

Palace Press Office Claire Castro

“Na-offend ako para sa lahat ng kababaihan. Lalo na kung ipagmamalaki na pa na karangalan ng isang babae na siya ay pagpantasyahan. Dapat pa bang ipagpasalamat na ang lalaki ay nag-iisip ng malaswa sa iyong pagkababae?”

Ito naman ang naging reaction ni Palace Press Officer Claire Castro sa kontrobersyal na mga pahayag ni Suntay.