Italiano

Italianong lolo, 74, nasakote sa P80K sex kotong

Edd Reyes Mar 13, 2026
287 Views

ARESTADO sa entrapment operation ang 74-anyos na Italian national na nagtangkang kikilan ang negosyanteng kelot kapalit ng hindi pagpapakalat ng hubad niyang larawan sa Makati City.

Pinosasan kaagad ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Randy Arceo si alyas “Claudio” na naninirahan sa isang unit ng condominium sa Barangay San Antonio, Makati City, nang tanggapin ang markadong salapi dakong alas-11:30 ng umaga ng Huwebes sa isang coffee shop na malapit sa kanyang tinutuluyang condo.

Ikinasa nina Makati Police Chief P/Col. Pedro Alagano Jr. ang entrapment operation nang maghain ng reklamo si alyas “Rommel” na 28-anyos na negosyante sa Caloocan City, na kinikikilan ng P80,000 ng dayuhan kapalit ng hindi pagpapakalat sa kanyang hubad na larawan.

Ayon kay Rommel, nagdulot sa kanya ng labis na pagkabalisa at depresyon ang banta ng dayuhan, kaya ipinasiya niyang humingi ng tulong sa pulisya.

Nakuha ng mga pulis sa dayuhang lolo ang markadong salapi na kinabibilangan ng 20-piraso ng genuine na P1,000 at 60-piraso ng P1,000 boodle money, cellular phone na hinihinalang naglalaman ng mga hubad na larawan ng biktima, at brown sling bang.