Calendar
Source: RAHA Volunteers Fire Department FB
2 sugatan sa sunog sa Caloocan
SUGATAN ang dalawa-katao sa sunog na sumiklab sa dalawang palapag na bahay Sabado ng umaga sa Caloocan City.
Nagtamo ng paso sa braso at daliri ang 28-anyos na babae nang tumalon mula sa ikalawang palapag ng nasusunog nilang tirahan habang isinugod sa pagamutan ang 15-anyos na binatilyo nang makaranas ng hirap sa paghinga sanhi ng nalanghap na makapal na usok habang lumalabas ng kanilang bahay.
Sa ulat ng Caloocan City Fire Station, dakong alas-7:00 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa hindi pa mabatid na dahilan sa dalawang palapag na bahay ng isang pamilyang may apat na miyembro sa Taniggue St., Brgy. 14.
Umabot lamang sa unang alarma ang sunog na naapula dakong alas-8:07 ng umaga na nakaapekto sa tinatayang 15-katao at umabo sa humigit-kumulang sa P50,000.00 halaga ng mga ari-arian.
