PNP Source: PNP Aviation Security Group FB

Croatian nakunan ng P28M shabu matapos ang naunang P135M smuggle try sa NAIA

Alfred Dalizon Mar 15, 2026
130 Views

PNP1PNP2

PNP3
Source: PNP Aviation Security Group FB

UMABOT sa P163 million na halaga ng smuggled shabu ang naharang makapasok sa merkado ng mga agents ng Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General, Undersecretary Isagani Nerez noong Linggo.

Nasamsam ang unang patalsik na shabu mula sa naarestong babaeng Croatian sa NAIA Terminal 3.

Nang timbangin, lumabas na 4,156 grams (mahigit 4.1 kilo) ang nakuha na umaabot sa P28.261 million.

Hawak ng ng PDEA Laboratory Service ang nasamsam na shabu para sumailalim sa forensic examination.

Noong Biyernes, nakuha ng mga NAIA-IADITG officers ang 2 abandoned parcels na may laman na 20 kilograms ng shabu na may value na mahigit P135.96 million.

Naka-address ang mga parcels sa taga-Marilao, Bulacan pero naharang dahil na-flagged sa X-ray screening ng Bureau of Customs.

Nahaharap ang Croatian sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Pinuri ni Undersecretary Nerez ang mga pulis dahil sa matalas na intelligence operation.