Boga

Dahil sa ‘di lisensyadong boga, lalaki arestado

Edd Reyes Mar 15, 2026
238 Views

TIMBOG ang lalaki na umano’y nagbebenta ng hindi lisensyadong baril sa entrapment ng pulisya noong Linggo sa Muntinlupa City.

Pinosasan ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) director P/BGen. Randy Arceo ang suspek na may alyas na Roniel at Yanyan ng tanggapin ang markadong salapi sa pulis na nagpanggap na buyer dakong ala-1:30 ng madaling araw sa Brgy. Poblacion, Muntinlupa City.

Nakumpiska nina P/Lt. Col. Antonio Ananayo, Jr, hepe ng arresting team, sa suspek ang dalawang cal .38 revolver, dalawang bala at P500 bill na nakapaibabaw sa bungkos ng salapi na ginamit sa operasyon.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang suspek sa Muntinlupa City Prosecutor’s Office, ayon sa mga pulis.