BI nag-deport ng 115 dayuhan sa overstaying
Jun 8, 2025
Calendar

Provincial
P2.6M halaga ng Ketamine naharang ng BOC
Peoples Taliba Editor
Sep 2, 2022
268
Views
NASABAT ng Bureau of Customs –Port of Clark ang isang package na naglalaman ng 535.6 gramo ng Ketamine na nagkakahalaga ng P2.67 milyon.
Ang ipinagbabawal na gamot ay itinago umano sa mga polycarbonate sheet.
Galing ang shipment sa Hoofddorp, The Netherlands at idineklarang mga damit. Pagdaan sa x-ray scanning ay napansin ang kahina-hinalang laman ng package. Nang buksan ito ay nakita ang apat na piraso ng polycarbonate sheet kung saan itinago ang iligal na droga.
Sa pagsusuri ng laboratoryo ay nakumpirma na “Special K, Ketamine” ang mga ito.
Noong Hunyo ay naharang din sa kaparehong port ang P2.5 milyong halaga ng Ketamine na galing naman sa Spain at itinago sa mga picture frame.
200 bahay natupok ng sunog sa Bacoor
Jun 8, 2025
Magkapatid nalunod sa beach sa Zambales
Jun 8, 2025
P347K na shabu nasamsam sa welder
Jun 8, 2025
P816K na shabu nasamsam sa drug suspek
Jun 8, 2025