Calendar
Source: PNP file video
Mga parak tinulungan makabayad gas attendant na natakasan
PINATUNAYAN ng mga parak ng Quezon City Police District (QCPD) Station 1 sa La Loma na sa pelikula lang mukhang pera ang ilang pulis ng mag-ambag-ambag para makalikom ng P5,196.45 at ibinigay sa gas attendant at mabayaran ang gas bill ng tumakas na driver na nagpa-gas noong March 22.
Natuwa ang mga netizens sa aksyon ng mga pulis at tiniyak din ni QCPD director Brigadier General Randy Glenn Silvio na hahanapin pa rin nila ang driver ng white Toyota Innova na hindi nagbayad.
“Buti pa ang mga pulis, may pusong maawa sa pump attendant na walang kasalanan. Pero ang mga ari ng gas station, ‘di ma nlang marunong maawa sa mga empleyado nila.
DOLE, baka naman pwedeng gawan ng aksyon ang ganyang employer,” sabi ni Aminah, isang netizen.
‘Saludo sa concern ng mga La Loma police sa gasoline boy na kakaltasan dapat ng 5K. May God repay your kindness,” sabi ni Ramil.
Nangyari ang pagtakas ng sasakyan na hindi nagbayad ng gas dakong alas-12:35 ng hatinggabi sa gas station sa Brgy. Apolonio Samson, QC.
Ayon sa QCPD director, balak nilang maghigpit laban sa sinumang motorista na magtatakip ng plate number dahil may cover ang plaka ng Innova na tumakas.
Irereekomenda ng QCPD kay Philippine National Police chief, General Jose Melencio Nartatez Jr. at National Capital Region Police Office director, Major Gen. Anthony Aberin na magkaroon sila ng full database ng mga plakang ninakaw.
Ayon sa QCPD, maaring mga nakakabit sa ibang sasakyan ang mga nakaw na plakang ito at ginagamit sa kabulastugan at krimen.
“We want to require owners of motor vehicles and motorcycles who have lost their license plates because of different reasons including theft to immediately file a formal report to the nearest police station and use the police report as a basis in requesting a replacement plate from the Land Transportation Office,” ayon kay Brig. Gen. Silvio.

