Calendar
Source: File photos
Mister napatay sa bugbog kelot na pinagselosan


DEDO ang 38-anyos na kelot nang pagbubugbugin ng lalakng naghinala na ka-relasyon ng kanyang misis Huwebes ng umaga sa Infanta, Quezon.
Humingi pa ng tulong ang suspek na si alyas “Jesson” sa mag-asawang Leandro at Lilibeth Gagan na dating amo ng kanyang asawang si alyas “Irene” para dalhin sa pagamutan ang walang malay na biktimang si alyas “Jonathan” pasado alas-6 ng umaga.
Nagtaka ang mag-asawa nang pagsapit sa ospital ay kaagad umalis ang suspek nang ideklarang patay na si alyas Jonathan hanggang malaman nila na naghain ng reklamo sa Municipal Police Station ng Bayan ng Infanta ang asawa ng biktima bunga ng ginawang panggugulpi ni alyas Jesson sa kanyang mister.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na kinompronta ng suspek si Jonathan dahil sa hinalang nakikipagrelasyon sa kanyang asawa na mariin naman itinanggi ng biktima hanggang humantong na sa panggugulpi.
Tinutugis na ng pulisya ang tumakas na suspek upang papanagutin sa kasong pagpatay.

