Sunog

Thermal drone giamit sa Navotas landfill, air quality lumala

25 Views

Sunog1Sunog2Sunog3Sunog4

Sunog5
SOURCE: Mga larawan/screenshot mula sa FB/Manila PIO

NAGLABAS ng thermal drone images ang Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department (MCDRRMD) na nagpapakita ng lawak ng pinsala sa sunog sa Navotas Sanitary Landfill.

Ayon sa ulat, isinagawa ang aerial assessment gamit ang high-tech drone na may kakayahang makakita ng init upang matukoy ang mga lugar na may matataas na temperatura. Layunin nitong tulungan ang lokal na pamahalaan ng Navotas sa mas malinaw na pagsusuri at mapabilis ang pag-apula ng apoy.

Dahil sa insidente, naapektuhan din ang kalidad ng hangin sa ilang bahagi ng Manila.

Batay sa advisory ng Department of Environment and Public Services at MCDRRMD nitong Abril 20, umabot sa “Unhealthy for Sensitive Groups” ang antas ng polusyon sa hangin.

Samantala, ilang netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa pagkilos ng lokal na pamahalaan para sa insidente at sa epekto nito sa kalikasan at kalusugan ng publiko. Narito ang ilan sa kanilang mga komento na makikita sa isang Facebook post ng Manila PIO:

“Yung mayor ng navotas natutulog sa pansitan!!!” wika ng isang Facebook user.

“Hi-tech monitor pero low-tech solusyonan. Nag-aantay umulan na sana bumagyo…peste!” komento naman ng isa pang netizen.

“Mayor ng [Navotas ano na? Galaw-galaw naman po sana, dami nang apektdo, pakitang gilas naman po sana kayo],” saad ng isang FB user.

“Yan ang ayusin mo Toby Tiangco. Wag [yung] puro banat sa iba pero [yung] sarili mong bakuran hindi mo kayang linisin!!!” dagdag pa nila.

“Nakakabahala ang sitwasyon sa Navotas Sanitary Landfill! Sana’y maapula agad ang sunog at mabawasan ang polusyon sa hangin,” sey naman ng isa pang netizen.