Calendar
2 lalaki nakitang dedo sa condo



DALAWANG lalaki ang natagpuang duguan at wala nang buhay sa magkahiwalay na lugar sa loob ng isang condo sa Tondo, Manila.
Ang isang bangkay ay nakita sa ikawalong palapag ng Building 2 ng condo habang ang isa ay nakita sa ground floor at hinihinalang nahulog sa gusali, Linggo ng gabi.
Nakilala ang isa sa biktima na si alyas Jovanie, 28, residente ng Building 5.
Ang isa na residente ng Building 8 ay hinahanapan pa ng kaanak upang malaman ang pagkakakilanlan nito.
Bandang 10:29 ng gabi nang makatangap ang pulisya ng tawag sa telepono mula sa sekyu na si Ramil Gonzales, nakaduty sa Tondo Medical Centerm kaugnay ng insidente.
Ayon sa mga saksi na sina Nesly, 24, at Sheryl Ann, 39, pabalik sila sa kani-kanilang unit nang makarinig sila ng sigaw ng “tulong, tulong!” sa loob ng isang unit.
Ang isang biktima ay natagpuang duguan at may pukpok sa ulo sa hallway ng ng 8th floor.
Humingi agad ng tulong ang mga saksi sa mga duty guard.
Nakita ng isang saksi ang ikalawang biktima na tumatakbo sa hallway at umaagos sa sarili ntio ang sarili nitong dugo..
Ang isang biktima na natuklasang nahulog sa ground floor ng Building 2 ay idineklarang dead on arrival ng attending physician na si Diego Dela Cruz bandang 9:40 ng gabi.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon si PCMS Niño Boy Baldajay, ng MPD-Homicide Section.

