Calendar
PNP nakahuli ng 19 suspek na tulak sa Tondo
LABING-siyam na drug personalities ang naaresto sa anti-narcotics operation sa Tondo, Manila ng mga elemento ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG), ayon sa hepe ng unit na si Brigadier General Elmer Ragay.
Isa sa mga naaresto ang 67-anyos na drug dive maintainer na si alyas Ate Bonet.
Inaresto ang 19 sa bisa ng search warrant para sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa bahay sa Brgy. 123, Zone 9, Moriones, Tondo.
Kinilala ang 18 pang natiklo na sina alyas Chel, 57; Rolando, 38; Chris, 44; Sison, 53; Joe, 32; Arnold, 27; Baki, 24; Analyn, 52; Jessie, 48; Mae, 29; Raquel, 53; Ann, 32; Felipe, 78; Hanna, 37; Rey, 59; Warren, 26; Jong, 42; at Joy, 36.
Naaresto ang mga suspek dakong alas-8:30 ng gabi kasama ang 18 grams ng shabu na may halagang P122,400.
Dinala ang 18 suspek sa MPD Raxabago Police Station 1.
