Hot News

Bagong silang na sanggol na nasagip sa sapa pumanaw na, ina pinaghahanap

Bernard Galang May 21, 2026
34 Views

SapaLUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga — Isang bagong silang na sanggol na inabandona sa isang sapa sa Barangay Quebiawan, Lungsod ng San Fernando, Pampanga, ang namatay matapos mailigtas noong Miyerkules.

Ayon sa ulat na isinumite kay Police Regional Office 3 director Jess Mendez, sinabi ng pulisya ng Pampanga na nakatanggap ng impormasyon ang isang barangay health worker mula sa isang concerned resident tungkol sa isang inabandonang sanggol sa isang sapa na matatagpuan sa Purok 2 ng nasabing barangay.

Agad na nirescue ng mga residente ang sanggol at dinala ito sa Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital para mabigyan ng medikal na paggamot.

Gayunpaman, kalaunan ay binawian ng buhay ang sanggol.

Nagsasagawa ngayon ng follow-up investigation ang mga awtoridad, kabilang ang posibleng pagrerepaso ng mga CCTV footage sa paligid, upang matukoy ang ina at malaman ang mga pangyayari sa likod ng pag-abandona sa bata.