Kabayan

Magbabalut ibinida ang imbensyong ‘drum car’ kay Kabayan Noli

265 Views

KabayanKabayanKabayanKabayanKabayanKabayanKabayanKabayanKabayanKabayanKabayan

IPAKIKILALA ni Noli de Castro ang magbabalut na si Rolando Barrientos, ang imbentor ng ‘drum car’, ngayong Linggo (Setyembre 25) sa “KBYN: Kaagapay ng Bayan” sa A2Z, TeleRadyo, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at ABS-CBN News Online Live.Ginamitan ni Rolando ng mga recycled materials ang pagbuo ng kanyang vintage-style na kotse. Ibinahagi ng 48-anyos na magbabalut na isang biyaya sa kanyang pamilya ang imbensyon niya lalo na ngayong may pandemya. Sa tulong ng kanyang mga anak, nakagawa na siya ng tatlong ‘drum cars’ – dalawa ang naibenta sa mga customer at ang isa naman ay ginagamit niya sa pagbebenta ng kanyang balut.

Bumiyahe ang “KBYN” team sa Sitio Dumilag, Brgy. Baluntaya, San Marcelino, Davao Occidental upang makilala si Corazon Inantay o Paki, isang 25-taong-gulang na babae na naghahanap buhay para sa kanyang pamilya sa kabila ng kanyang kapansanan. Kamakailan nga lang, nag-viral si Paki sa social media dahil sa ipinamalas niya na kasipagan.

Pinanganak na walang kakayahang maglakad, gumagapang lamang si Paki sa lupa upang makapagtrabaho. Sa kanyang mga kapatid, na bahagi ng B’laan Tribe, siya lang ang ipinanganak na may ganitong sakit. Bilang isang paraan upang matulungan si Paki at ang kanyang pamilya, binibigyan ng grupo ang masipag na Paki ng munting tulong pinansyal.

Binisita din ng “KBYN” ang isa pang masipag na indibidwal na nagpapakita ng kanyang talento sa pyrography o paggawa ng obra sa pamamagitan ng pagsunog ng kahoy. Bukod sa pagiging delivery rider, ginagamit ni Edison Billones ang kanyang kahusayan bilang pangdagdag kita.

Samantala, personal na nakita ni Kabayan Noli ang giant poodle na pag-aari ng mga celebrity doctors na si Aivee at Z Teo. Niregalo ni Dr. Z ang mistulang stuffed toy na asong ito, na nabili niya pa sa ibang bansa, kay Dr. Aivee noong 2019. Noong kasagsagan ng pandemya, pinagbreed ng mag-asawa ang kanilang giant poodle at ipinost ito sa kanilang mga social media account. Ilang celebrity na ang bumili sa kanila ng Giant Poodle puppies, na nagkakahalaga ng humigit-kumulang kalahating milyong piso.

Panoorin ang mga kwentong ito sa “KBYN: Kaagapay ng Bayan,” ngayong Linggo (Setyembre 25), alas 5 ng hapon bago ang “TV Patrol Weekend” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, youtube.com/ABSCBNNews, news.abs-cbn.com/live, TeleRadyo, at A2Z.