Jane Umali at Tony Boy de la Rea Jane Umali at Tony Boy de la Rea

Pelikulang ‘Paghilom’, kasado na

104 Views
John de Guzman
John de Guzman

Shira Tweg

KASADO na ang shooting ng first lead role ni Tony Boy Dela Rea sa pelikulang ‘Paghilom’ na ididirek ni Danni Ugali, under Cine Silang Productions with ony Boy himself and Nenette Dela Rea as producers. Isa sa dream movies ni Tony Boy ang naturang pelikula na ang tema ay relationship between father and son.

Lubos na pinaghandaan ni Tony Boy ang movie para pelikulang pagsasamahan nila ng longtime friend, beauty queen and model Jane Umali, bilang kanyang maunawaing misis.

Big role naman ang gagampanan ng actor na si Joshua De Guzman, bilang anak ni Tony Boy. Ka-love team ni Joshua ang young actress na si ShiraTweg, na isa sa bida sa advocasy film na Sugat Sa Dugo,na produced nina Bambbi Fuentes at Tine Areola,at showing na sa big screen on September 28.

Kasama rin sa ‘Paghilom’ in special role si Sgt. Jobert Belbis ng Philippine Army bilang eldest son.

Excited si Tony Boy sa movie niya kaya lubos ang preparation niya sa shooting nito na gagawin sa mismong farm ng family ni Tony Boy, ang Hacienda Antonio at sa resort, na Villa Florencia sa Silang, Cavite. —Noel Asinas