Pinoy

‘Together Again’ US concert, 17th  anniversary handog ng GMA Pinoy TV

173 Views

Sa September 24 at 25, nagbabalik sa U.S. concert scene ang GMA Pinoy TV para sa pinakamalaking selebrasyon ng ika-17 anibersaryo nito.

Magsasama-sama sa Together Again: A GMA Pinoy TV @ 17 Concert ang naglalakihang Kapuso stars gaya nina Bea Alonzo, Ai-Ai delas Alas, Lani Misalucha, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz at Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Gaganapin ang two-night concert sa Pechanga Theater, Pechanga Resort Casino sa Temecula, California, USA.

Ibinahagi ni Bea kung gaano siya ka-excited para sa kanyang unang concert abroad bilang Kapuso.

“I will be on the GMA Pinoy TV stage for the first time with my fellow Kapuso stars, and excited ako kasi I want to give the Pinoys abroad the entertainment and the joy that they so deserve dahil ang dami nating pinagdaanan this past year,” aniya.

Handang-handa naman si Julie Anne na muling ipakita ang kanyang limitless talent, “We’re very excited to show to everyone kung ano ‘yung mga inihinanda naming prod numbers. It’s also a great opportunity for all of us kasi makikita namin ulit ‘yung mga Kapuso natin abroad after a very long time.”

“Sobrang excited kasi ang tagal na nga na panahon after New York, ilang years ago ‘yun, so excited na kami makita ‘yung mga Kapuso namin d’yan sa Amerika,” dagdag naman ni Rayver.

Siyempre, looking forward din si Dingdong na makasama muli ang mga Kapuso abroad dahil 2018 pa noong huli siyang bumyahe sa US kasama ang GMA Pinoy TV, “Ang saya kasi iba talaga ‘yung pakiramdam na makita mo at makausap mo sila nang harapan. Iba rin kasi kapag online.”

Sa direksyon ni Mark Reyes, ang Together Again: A GMA Pinoy TV @ 17 Concert ay handog ng Pechanga Resort Casino sa pakikipagtulungan sa GMA Pinoy TV, Starmedia Entertainment at GMA Synergy.

Kasama rin dito ang GMA Regional TV, GMA Entertainment Group, GMA Life TV, GMA News TV at Tancinco Law P.C.

Maaaring bumili ng tickets sa mga sumusunod na website: www.pechanga.com, www.ticketmaster.com, at www.starmediaentertainment.com.