Bong

Sen. Bong mamimigay ng malalaking papremyo sa kanyang ika-56 kaarawan

Eugene Asis Sep 21, 2022
165 Views

EXCITED na ang fans at supporters ni Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr.sa kanyang ‘Alyas Pogi Birthday Giveaway’ na bahagi ng kanyang pagdiriwang ngayong Linggo, Setyembre 25, ika-anim ng hapon.

Sa kanyang ika-56 na kaarawan, muling magho-host si Sen. Bong ng isang programa, streamed live sa www.facebook.com/bongrevillajr.ph. Makakasama niya ang kanyang maybahay na si Lani
Mercado-Revilla, mga anak at ilang mga kapamilya, upang higit na maging masaya ang programa.

Isa itong paraan ng pasasalamat para sa kanyang magandang kalusugan at sa napakaraming blessing na dumarating, pati na sa kanyang pamilya. Dahil dito, mamamahagi siya ng ilang blessings sa isang pa-raffle sa tulong ng ilang sponsors at ilang mapagkawang-gawang indibidwal. Para sa highlight, isang brand new car ang naghihintay sa isang masuwerteng supporter/manonood.

Ang mga iba pang mapapanalunan ay 10 motorsiklo, laptops, cash prizes (P100,000, P50,000, P20,000 and P10,000). Limandaang avid watchers ang mananalo agad ng P1000 bawa’t isa.

Ginagawa ito ni Sen. Bong taun-taon bilang pasasalamat.