Gerald Anderson Gem, dinalaw ni Gerald sa Highlands

Gem, dinalaw ni Gerald sa Highlands

1719 Views

TUWANG-tuwa si Gem Castillo, maybahay ni San Pablo City Mayor Vic Amante sa pagbisita ng sikat na aktor na si Gerald Anderson sa San Pablo Highlands.

Sobrang na-impress ang aktor sa nasabing subdivision dahil sa pagiging mataas ng lugar. Napapaligiran ito ng maraming punong kahoy, malamig at sariwa ang hangin. Dalawang oras lamang ang biyahe mula Maynila, at kapag natapos na ang T4, o diversion highway na magli-link sa South Luzon Expressway, more or less ay 45 minutes na lamang ang biyahe mula Maynila hanggang San Pablo. Kaya naman hindi malayong mag-invest si Gerald, na isa ring mahusay na businessman, ng isang property rito, tulad ng ginawa niya sa Zambales kung saan naman siya nagtayo ng isang resort.

Maraming celebrities ang dumadalaw at nagbabalak kumuha ng property sa San Pablo Highlands para pagtayuan hindi lamang ng isang vacation house, kundi isang permanent residence.

Ipinagmamalaki ni Mayora Gem na isang dating aktres ang San Pablo Highlands na isa sa magagandang lugar sa San Pablo City.