Flag

California naglunsad ng Araw ng watawat

35 Views

Flag1SAN FRANCISCO, California–Ipinagdiwang ang Pambansang Araw ng Watawat dito at naglalaman ng kwento ng kasaysayan, mga mithiin at dugong inalay para sa kalayaan ng bansa.

Ang tatlong bituin kumakatawan sa Luzon, Visayas at Mindanao habang ang walong sinag ng gintong araw ay nagsisilbing pagkilala sa mga unang lalawigang nag-alsa laban sa mga Kastila.

Maliban sa mga simbolo, ang mga kulay ng watawat ay sumasalamin din sa mga pundasyon ng lipunan–kapayapaan, katotohanan, katarungan, katapangan, kalayaan, pagkakapantay-pantay at pagkakapatiran.

Hinimok ang publiko na huwag lamang tingnan ang bandila bilang simbolo, kundi paalala ng mga sakripisyo ng ating kalayaan ngayon.