Droga

Pekeng yosi isinuko; boga, droga nasamsam ng parak

Steve A. Gosuico May 31, 2026
61 Views

CAMP GEN. MARIANO N. LLANERA, Cabanatuan City--Tatlong hinihinalang tulak ng droga ang naaresto at higit P100,000 halaga ng shabu ang nasamsam bukod pa sa isinukong mga pekeng sigarilyo na may kabuuang halagang P56,000 sa lugar na ito kamakailan.

Ikinasa ang isang search operation laban sa 45-anyos na tricycle driver at nakumpiska mula sa suspek ang 13.49 gramo ng shabu na may halagang P92,596, at isang paltik na cal .38 na may tatlong bala.

Samantala, dalawang hinihinalang tulak ang natimbog sa Zaragosa at Pantabangan at nakumpiska ang shabu na may timbang na tatlong gramo at halagang P20,400.

Sa Zaragosa, isang 44-anyos ang naaresto dahil sa dalawang gramo ng shabu na katumbas ng P13,600.

Isang 25-anyos na electrician naman ang inaresto sa Pantabangan dahil sa pagbebenta ng droga na may halagang P6,800.

Halos mapuno ang police blotter ng lalawigan dahil sa 12 insidente ng boluntaryong pagsuko ng mga nasabing kontrabando na may halagang P56,410 sa Cabanatuan, San Jose, Muñoz, Aliaga, Bongabon, Gabaldon, Nampicuan, San Antonio, Sto. Domingo, Talavera, Talugtug at Zaragoza.