Calendar
55 aplikanteng OFW nailigtas ng DMW sa mapanganib na tirahan

NAILIGTAS ng Department of Migrant Workers (DMW) ang 55 aplikanteng overseas Filipino workers (OFWs) sa mapanganib na tirahan sa Imus, Cavite, noong Hunyo 6.
Binigyan ng welfare assistance, pansamantalang matutuluyan at legal aid ang mga manggagawa at patuloy na bibigyan ng suporta sa ilalim ng Migrant Workers Protection Bureau (MWPB).
Pumunta si Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac sa operasyon at iniutos ang pagsasampa ng kaso laban sa mga recruitment agencies na lumabag sa mga regulasyon.
Natuklasan na ang pasilidad ay hindi tumutugon sa pamantayan ng kalusugan, kaligtasan at kapakanan na itinakda para sa pansamantalang tirahan ng mga aplikanteng OFW.
Ang operasyon ay bahagi ng pinaigting na nationwide inspection ng DMW sa mga pasilidad ng tirahan ng mga prospective OFWs.
