Lindol Makikitang tinutulungan ng mga pulis ang mga nasugatan sa magnitude 7.8 lindol sa Sarangani.

Bilang ng nasawi sa lindol sa Sarangani patuloy na tumataas

48 Views

Lindol1Lindol2WALO ang iniulat na patay sa pagyanig ng magnitude 7.8 na lindol niutong lunes ng umaga sa bayan ng Maasim sa Sarangani.

Batay sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD), tatlo sa mga nasawi ay naitala sa Davao Occidental, tatlo mula sa General Santos City at dalawa sa South Cotabato.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, naramdaman ang lindol dakong 7:37 ng umaga.

Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 033 kilometro.

Sa inisyal na ulat, naramdaman ang Intensity VII ng lindol sa General Santos City.

Intensity VI sa Palimbang at Senator Ninoy Aquino sa Sultan Kudarat.

Intensity V sa Mati City, Davao Oriental; Buug, Zamboanga Sibugay; Caraga, Manay at Tarragona sa Davao Oriental.

Niyanig naman ng Intensity III ang Butuan City; Mainit sa Surigao del Norte; Dapitan City sa Zamboanga del Norte; Kumalarang, Vincenzo Sagun sa Zamboanga del Sur.

Intensity II sa Dipolog City, Labason, Liloy, President Manuel A. Roxas at Salug sa Zamboanga del Norte; Alicia, Ipil, Olutanga at Siay sa Zamboanga Sibugay; Molabe sa Zamboanga del Sur; Abuyod at Dulag sa Leyte at San Francisco sa Southern Leyte.

Umabot naman sa 138 ang naitalang aftershocks ng lindol hanggang 1:38 ng tanghali.

Pinakamalakas rito ang magnitude 6.7 na naganap dakong 8:55 ng umaga habang nasa magnitude 1.3 naman ang pinakamahina.

Dahil sa malakas na pagyanig, nakaranas din ng tsunami waves na umabot sa 1.4 metro ang mga baybayin sa Maasim, Sarangani; Kalamansig, Sultan Kudarat; Mati City, Davao Oriental; Zamboanga City, at Tandag City, Surigao del Sur.

Sinuspinde naman ng Philippine Coast Guard (PCG) ang lahat ng watercraft operations sa Davao Occidental dahil sa tsunami warning.

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang assessment ng mga awtoridad para matukoy ang lawak ng pinsala ng lindol.