Calendar
Binaril na lalaki, patay

ROSARIO, BATANGAS–Patay ang isang 52-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin sa national highway, Brgy. Putingkahoy sa bayang ito noong Biyernes.
Kinilala ng Rosario police Station ang biktima na si Paulino.
Ayon sa ulat ng pulisya, nakatanggap sila ng tawag sa telepono bandang alas-11:10 ng umaga hinggil sa isang krimen at natagpuan ang biktima na nakahandusay sa gilid ng kalsada bandang alas-10:50 ng umaga.
Sa pagsusuri ng mga imbestigador sa mga closed-circuit television (CCTV) footage, nakita ang dalawang lalaking lulan ng pulang TMX na motorsiklo na mabilis na tumakas patungo sa Rosario
Kasalukuyang inaalam ng mga pulis ang motibo sa krimen at nagsasagawa na ng manhunt upang matukoy at madakip ang mga tumakas na suspek.
